Feeds:
Posts
Comments

Archive for April, 2010

Kay Gibo ako noon…

Kay GIBO ako noon.

at ngayon, kay GORDON na ako. i made up my mind. at ang

tagal ng proseso bago ko maisip na si Gordon pala… sya pala

ang kailangan ng Pilipinas.

Na-impress ako kay Gibo noon, the way he talk, at yung educational background nya “Harvard” at sino hindi mapapa WOW don diba? tapos napa clear ng platforms nya. at angpinakamaganda sa kanya is positive campaign. kaya sya ang nagustuhan ko.

pero naisip ko… sa kung paano lang ba mangampanya ang tao ito, kaya ko sya hahangaan o huhusgahan?

“GIBO, galing at talino! take off na tayo guys!”

yan ang shout ko sa FB account ko. at lahat ng maka GIBO

ko kaibigan saying:
“Go GIBO!”
“Tama yan, Gibo tayo!”

masaya ako, kasi ang dami ko kakampi, feeling ko “in” ako. at bigla nalang may nagtanong sakin na “maka-Gordon” oo alam ko maka Gordon sya dahil sa primary nya.

“why him?”

hindi ako sumagot, yung kaibigan ko ang sumagot. hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot. parang gusto ko nalang panuorin sila dalawa na magdeskusyunan.

“galing at talino! simple sagot lang!”

“since kelan mo sya nakilala?”

no one answered. end of conversation.

kelan ko nga ba nakilala si gibo? oo nito lang, nung inindoso sya ni Gloria nung panahon ng bagyon at noong may nagtanong sa kanya kung bakit naantala ang rubber boats at choppers noong panahon ni Ondoy at ito ang sagot nya.

“Di ko pa po kasi alam ang eksaktong bilang ng mga  kakailanganin.”

noong narinig ko yon, natawa ako.
pero pagkatapos noon, hinangaan ko sya, nakalimutan ko yung sagot na yon na tinawanan ko.

Habang nag-iisip ako, kung si gibo na ba talaga, sinubukan ko bisitahin yung account ng friend ko ng maka-GORDON spammer sya ng mga video ni Gordon. halata sa profile nya. at pinuntahan ko yung link ng Fan Page ni Gordon.

ang konti ng tao.
compare kay Gibo.

pero, iba yung pakiramdam na mabasa ko yung comment ng mga tao dito.

ANG HAHABA!

hindi ito tulad ng sa Fanpage ni Gibo na mas madalas mo

makikita ay “Gibo FTW!” “Go Go Gibo!”

hindi ko alam, pero kinikilabutan ako.

lalo ako kinilabutan noong may mga nakita ako pictures na nag vovolunteer. iba ibang lugar. kulay red ang nangingibabaw.

habang nag bbrowse..
muli ko naalala yung mga nagawa ni Gordon.

hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakalimutan ko yon. at doon, nahirapan na ako pumili.

i had a conversation with my dad
maka-Gordon din sya.
tinanong ko sya kung bakit… at eto yung lagi ko naalala.

“kapag may nangyayari, kapag may baha, o kaya may barko lumubog, basta madami pangayayri ng sakuna, andoon si Gordon. Nasanay na nga ako na lagi sya nasa TV pag may nangyayari”

oo.. nasanay nadin ako.
parang pag may masama nagyari, may lilipad sa kalawakan at iyon si Gordon.

nasanay na ako.

at noong nagpakita si Gibo sa panahon ng Ondoy. humanga ako! napa wow ako. pero, nakalimutan ko mapa “wow” kay Gordon, dahil nasanay na ako.

research research resaerch.


at muli ko naalala ang Subic, Olongapo, Wow Philipines, wowowee stampede, glorietta bombing, leyte landslinde, at ang makasaysayang mga letrato noong sumabog ang Mt.Pinatubo.

Photos here

kinikilabutan ako.

sinubukan ko din tignan yung mga photos ni Gibo sa parehas

na site

Gibo’s photos.

nahiya ako sa sarili ko.
nahiya ako dahil nakalimtan ko si Gordon.
nahiya ako dahil masyado ako humanga kay Gibo kahit wala ako sapat na batayan, kahit lagi bukang bibig ko lang ay “galing at talino”

nahiya ako sa sarili ko.

lalo tumindi ang paghawak ko na oo, kay Gordon na ako, ng

mabasa ko lahat ng blogs, videos,

lalo na nung napanuod ko to

i have to claim, hindi sya trash talk, totoo sinabi nya.
hindi paninira. kasi totoo.
hindi gawa-gawa kasi natatwa tayo dahil totoo

minulat nya ako.
minulat nya ako hindi sya war freak, gusto nya magkaroon ng disiplina sa bawat Pilipino tulad ng ginawa nya sa bayan nya at higit sa lahat GUSTO NYA TAYO MAGISING SA KATOTOHANAN.

may nagawa na sya. nakalimutan lang ng tao. ng kabataan.

Gordon’s Fan Page

“What this country needs is not a change of men, but a change in men.”

-Sen. Richard Gordon.

updated: pls do not ask if you can copy this or spread it. for public use to :)) i don’t care if you give a credit, just don’t claim this blog is yours :) spread.

Advertisements

Read Full Post »