Feeds:
Posts
Comments

Archive for March, 2011

sampu paraan para sa paghahanda sa mga unos na darating sa ating bansa!

1. siguraduhin laging full charge ang cellphone, para makapag GM sa mga kaibigan kapag lumindol at upang makapagpadala ng chain text na isend sa sikwenta katao para hindi malasin.

 

2. siguraduhin na may reserba battery para sa laptop at gadgets. mahirap na pag nagka black out, hindi natin ma-uupdate ang status ng FB natin! hindi rin tayo makakapag tweet ng latest photos!

 

3. siguraduhing may nakahandang prepaid para sa internet connection kung usb stick ang gamit, baka bigla magloko ang mga linya ng internet. mabuti na on the go padin tayo!

 

4. i full charge din ang mga battery ng camera, once in a lifetime lang tayo makakita ng mga yumayanig na kapaligiran, dapat ma capture natin ito!

 

5. bumili ng mga kinakailangan na pagkain, junk foods, coke, pwede rin red horse, para tuloy ang ligaya kahit binabagyo

 

6. bumili ng mga in na damit, para kung sakali makunan ng camera, poise pa rin!

 

7. maligo araw-araw

 

8. tignan ang mayan calendar, para alam kung kelan ang petsa na tatamaan tayo ng kalamidad, mabuti rin na basahin ang aklat ni Nostradamus, para may quotes tayo masend sa panahon ng kalamidad.

 

9. gumawa ng last will testament

 

10. mag vitamins.

 

sana, hindi ganito kababaw ang isip natin mga pinoy.

sana mas marami parin satin ang nasa matino pag-iisip pag dumating na ang kalamidad.

sana malaman ng mga kababayan natin na mas mahalaga ang mabuhay kesa magkapag post ng latest updates.

 

manalangin tayo para sa kaligtasan ng bawat isa.

kahit five minutes lang.

Advertisements

Read Full Post »