Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘Gordon’ Category

Kay GORDON ako

So as my introduction, i want to let you know that i will not copy paste anything over the net. Type type type until blood falls in my nose :))

Why?

thats i think the best question nowadays,
not Who.

Why not Noynoy?

Wala syang sarili pamilya. Hey dude, hindi lang korapsyon ang problema ng bansa. hindi lang mga kurakot. Alam mo ba yung pangunahin pangangailangan ng isang pamilya? pagkain, edukasyon, kalusugan. yan! hindi yang mga pesteng korapsyon na yan! kung may malasakit ang pinakapinuno sa bawat pamilya, alam nya yan.

I admire your parents. Period. taon taon. pag august 21, naaalala ko ang ama mo, si ninoy, taon taon, walang palya, kasama nadin doon si Cory. I admire your parents, but i want each Pilipino to admire more in Philippines. gets mo? hindi parang binebenta na yung nasyonalismo.

Saka hindi mo naman talaga desisyon o kahit tumakbo sa isip mo maging pangulo diba? ‘to mga tao kasi to, noong namatay ang nanay mo, tinulak ka ng tinulak na maging presidente! Hindi mo kagustuhan, walang sarili kusa, wala sa utak mo na magpatakbo ng isang Bansa, napilitan ka lang.

Sabi nga, kung masaya ka, wag na wag ka mangangako.

Why not Villar?

I want you to be someone else. Like a producer of commercials, endorser of max orange, or the one who will teach people how to swim. Madami ata hindi marunong lumangoy.

Well honestly, ok na sana record mo noon e, hinahangaan kita noon, senate president diba? kaso nasilaw ka. sayang.

Why not Erap?

Tulad ng sabi ko kay noynoy, i want Pilipino people to admire the country even more. You can help naman diba? kahit wala ka sa posisyon. Sabi ng masa, hindi ka naman nagnakaw, pera mo naman kasi yung ginamit mo sa pag susugal. Pero, saan galing ang limpak limpak mo pera? hulog from the sky? haaayyy.. people, wake up :|

nalulungkot ako. nasasanay tayo na may mahihirap, nasasanay sila na hanggang doon lang ang kapasidad nila. wag nyo piliin yung kandidato para sa mahirap. piliin nyo yung kandidato para sa Pilipino. :| Ano nangyayari? ginagamit ng mga politiko ito ang mga mahihirap.

Oo. ginagamit. may proyekto pa bibigyan ng halimbawa sampu libo ang bawat pamilya. Bibigyan ng bahay. Nooooo! that’s not the solution! Give then a decent work with a decent pay. let them know how to generate income. educate them. sa Pabahay? pabayaran nyo sa kanila. Hindi yon simbulo ng paglugmok lalo sa kanila. Kung gusto nyo magbanat ng buto yang mga yan at mangarap, wag nyo ipasubo lahat! Give them job. Kaya yung iba umaasa sa Gobyerno, nakalimutan na may sarili sila mga buto.

Why not Bro Eddie?

I believe in you, you are a great preacher i know. kaya nga ang dami na ng supporter ng Jesus Is Lord e. Yun ang tawag sa inyo ng Panginoon. to Preach. Just stay there. okay? sana hindi ka na uli tumakbo next time. saka uulitin ko uli ang sinabi ko kay noynoy. hindi ko gusto ang slogan mo na “anim na taon na walang korapsyon” kung palitan mo yan ng “anim na taon na pag-unlad” hahanga pa ako. Hindi lang yan ang problema ng Bansa.

Why not Gibo?

Hindi ako duda sa katalinuhan nya. Pero alam nyo yung hilaw pa? Sorry for gibo supporters. You know what’s the big deal bakit hinahanap ng tao yung mga “silent action” ni Gibo? because hindi sila aware. not all people have internet in their house. not all people know this guy. know all people have been touched by this guy.

Yes, maganda ang plataporma nya, but again, this is like the intangible assets that we have. mga hindi nahahawakan. I want him to be involve more in community, because i want him to know hows life being with “us”. Gusto ko masanay sya sa baho nga bawat pilipino, sa bawat malalagkit nito pawis. Gusto ko malaman kung alam nya ba ang buhay ng mga taong minsan isang beses lang kumain sa isang araw. I don’t what to tell him “hey, Gibo para sa Mahirap” nooo! i want him to feel “us” to touch our heart. not just our intellectual. that’s it. I want this guy to explore more. Hindi lahat ng tao, marunong magbasa, pero lahat ng tao alam gamitin ang kanila mga puso. Again, I am hands down to this guy, and i have respect to him.

Why Gordon?

Andun na tayo, andyan sa lahat ng kalamidad. Pero nakuha nyo ba yung point don? Nung pumutok ang mt. pinatubo, kung ako siguro yon, sasakay na ako ng eroplano to save myself. Pero ano sinabi nya? “Sumunod kayo sakin, wag kayo matakot”(hindi ko alam kung ganyan yung eksakto sinabi nya, i don’t want to watch the video na e hehe baka di matapos to blog ko) See. Brave enough. then what’s next? Para sa akin, walang taong bato, at sa nasaksihan nya noon, sa bawat batang umiiyak na nakikita nya, sa bawat mga individual na puro ash sa katawan, nadurog ang puso nyan. pero ano ginawa nya? Hindi sya umiyak. He want his fellowmen to show that he is brave enough. Kung iiyak ka, kung tatakasan mo lang yung sakuna, edi lalo nawalan ng pag-asa yan!

Bawal ang Tamad. Bawal ang Tanga. People says, they think they can’t hadle this kind of President. Pero alam nyo ba kung sabihin nya sakin yan? aba babangon ako sa katotohanan, i want to prove him na “hey man, hindi ako tamad, see” but at the end of the day, hindi mo lang sa kanya pinatunayan na hindi ka tamad. Pinatunayan mo nadin sa sarili mo.

Sisitahin ka nya dahil may mali sayo. Kung matino ka na, patinuin mo naman yung ibang tao.

Pilipino people need to moved na. Hindi lang ang mga opisyales. Hindi lang sila ang magpapatupad ng mga plataporma, sila ang magsasabatas pero tayo ang gagawa at susunod.

Then 2016 daw, pwede na si Gordon. okay, sige 6 years uli tayo magtitigan at mag kanya kanya. :) Why so serious? smile guys! Salamat. :)

*lahat pwede i repost, i share to blog ko. go. if you think may mapupulot kayo, go spread this.
i dont care if you put credits
but pls, don’t claim that its yours :)

thanks :)

Read Full Post »

comparison between Gordon and Gibo

Read Full Post »

ngayon ko lang naunawaan ng husto.

marami salamat sa nagpasa ng LINK sa akin.

Read Full Post »

tamad tayo magbasa.
kaya ipapanoon ko nalang ito sa inyo :)

salamat sa isang commentor na nagbigay ng link.

Read Full Post »

nagmamakaawa po ako.
tirhan nyo po ako ng baller, o kaya tshirt yun lamang po ang aking kahilingan
isa lamang po o kung gusto nyo po gawin nyo na tatlo
para
ILOVEYOU
mahabag po kayo
pwede po ako makipagkita around camanava area.
even after election, i’m interested.
para sakin for a lifetime na ang value nyan. :)

Read Full Post »

Kay Gibo ako noon…

Kay GIBO ako noon.

at ngayon, kay GORDON na ako. i made up my mind. at ang

tagal ng proseso bago ko maisip na si Gordon pala… sya pala

ang kailangan ng Pilipinas.

Na-impress ako kay Gibo noon, the way he talk, at yung educational background nya “Harvard” at sino hindi mapapa WOW don diba? tapos napa clear ng platforms nya. at angpinakamaganda sa kanya is positive campaign. kaya sya ang nagustuhan ko.

pero naisip ko… sa kung paano lang ba mangampanya ang tao ito, kaya ko sya hahangaan o huhusgahan?

“GIBO, galing at talino! take off na tayo guys!”

yan ang shout ko sa FB account ko. at lahat ng maka GIBO

ko kaibigan saying:
“Go GIBO!”
“Tama yan, Gibo tayo!”

masaya ako, kasi ang dami ko kakampi, feeling ko “in” ako. at bigla nalang may nagtanong sakin na “maka-Gordon” oo alam ko maka Gordon sya dahil sa primary nya.

“why him?”

hindi ako sumagot, yung kaibigan ko ang sumagot. hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot. parang gusto ko nalang panuorin sila dalawa na magdeskusyunan.

“galing at talino! simple sagot lang!”

“since kelan mo sya nakilala?”

no one answered. end of conversation.

kelan ko nga ba nakilala si gibo? oo nito lang, nung inindoso sya ni Gloria nung panahon ng bagyon at noong may nagtanong sa kanya kung bakit naantala ang rubber boats at choppers noong panahon ni Ondoy at ito ang sagot nya.

“Di ko pa po kasi alam ang eksaktong bilang ng mga  kakailanganin.”

noong narinig ko yon, natawa ako.
pero pagkatapos noon, hinangaan ko sya, nakalimutan ko yung sagot na yon na tinawanan ko.

Habang nag-iisip ako, kung si gibo na ba talaga, sinubukan ko bisitahin yung account ng friend ko ng maka-GORDON spammer sya ng mga video ni Gordon. halata sa profile nya. at pinuntahan ko yung link ng Fan Page ni Gordon.

ang konti ng tao.
compare kay Gibo.

pero, iba yung pakiramdam na mabasa ko yung comment ng mga tao dito.

ANG HAHABA!

hindi ito tulad ng sa Fanpage ni Gibo na mas madalas mo

makikita ay “Gibo FTW!” “Go Go Gibo!”

hindi ko alam, pero kinikilabutan ako.

lalo ako kinilabutan noong may mga nakita ako pictures na nag vovolunteer. iba ibang lugar. kulay red ang nangingibabaw.

habang nag bbrowse..
muli ko naalala yung mga nagawa ni Gordon.

hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakalimutan ko yon. at doon, nahirapan na ako pumili.

i had a conversation with my dad
maka-Gordon din sya.
tinanong ko sya kung bakit… at eto yung lagi ko naalala.

“kapag may nangyayari, kapag may baha, o kaya may barko lumubog, basta madami pangayayri ng sakuna, andoon si Gordon. Nasanay na nga ako na lagi sya nasa TV pag may nangyayari”

oo.. nasanay nadin ako.
parang pag may masama nagyari, may lilipad sa kalawakan at iyon si Gordon.

nasanay na ako.

at noong nagpakita si Gibo sa panahon ng Ondoy. humanga ako! napa wow ako. pero, nakalimutan ko mapa “wow” kay Gordon, dahil nasanay na ako.

research research resaerch.


at muli ko naalala ang Subic, Olongapo, Wow Philipines, wowowee stampede, glorietta bombing, leyte landslinde, at ang makasaysayang mga letrato noong sumabog ang Mt.Pinatubo.

Photos here

kinikilabutan ako.

sinubukan ko din tignan yung mga photos ni Gibo sa parehas

na site

Gibo’s photos.

nahiya ako sa sarili ko.
nahiya ako dahil nakalimtan ko si Gordon.
nahiya ako dahil masyado ako humanga kay Gibo kahit wala ako sapat na batayan, kahit lagi bukang bibig ko lang ay “galing at talino”

nahiya ako sa sarili ko.

lalo tumindi ang paghawak ko na oo, kay Gordon na ako, ng

mabasa ko lahat ng blogs, videos,

lalo na nung napanuod ko to

i have to claim, hindi sya trash talk, totoo sinabi nya.
hindi paninira. kasi totoo.
hindi gawa-gawa kasi natatwa tayo dahil totoo

minulat nya ako.
minulat nya ako hindi sya war freak, gusto nya magkaroon ng disiplina sa bawat Pilipino tulad ng ginawa nya sa bayan nya at higit sa lahat GUSTO NYA TAYO MAGISING SA KATOTOHANAN.

may nagawa na sya. nakalimutan lang ng tao. ng kabataan.

Gordon’s Fan Page

“What this country needs is not a change of men, but a change in men.”

-Sen. Richard Gordon.

updated: pls do not ask if you can copy this or spread it. for public use to :)) i don’t care if you give a credit, just don’t claim this blog is yours :) spread.

Read Full Post »