Feeds:
Posts
Comments

Archive for the ‘poltics’ Category

na pagkabalita na
at ang pinag-uusapan ay lablife ni noynoy..

may pipiliin mo pa matulog nalang o ilipat yung channel.
masyado showbiz
nakaka bwisit!

Advertisements

Read Full Post »

common answer yan ng mga taong si Erap padin ang binoto.
napataas nya ang sahod ng mga mangagawa ng dalawang beses noong panahon nya
kaya minahal sya ng mga mangagawang pinoy.

pero hindi pera lang ang ninakaw ni erap.

PATI REPUTASYON NG BANSA!
ANG RESPETO PINANGHAHAWAKAN NATIN SA BANSA ITO.

hindi nyo ba naisip na kung sakali yan ang maging presidente uli,
tingin ba nila, may papasok pa investors satin?
tingin ba nila, ng mga masa naniniwala sa kanya, na may magtitiwala pa sa bansa natin?

KAYLANGAN NATIN LAHAT NG TRABAHO!

Ex-convict si Erap.
nakulong sya.
dahil napatuayan nagkasala sya.

Yung simpleng ex-convict nga na hindi naman talaga nagksala hindi makahanap ng matino trabaho e.

ANO BA JUAN?!

ISIPIN NYO YUNG KAPAKANAN NG LAHAT NG PILIPINO!
HINDI LANG YUNG PRINSIPYO NYO NA WALANG KASALANAN SI ERAP
NA WALA SYA NINAKAW!
NA PARA SA MAHIRAP SYA!

higit sa pera ang ninakaw nya!

PINAGTATAWANAN NA TAYO NANG BUONG MUNDO.

natatawa ba kayo?

AKO HINDI E.

Read Full Post »

Nakaboto ako!

NAKABOTO AKO!

ikkwento ko lang ang aking karanasan.

nagpunta ako sa eskwelahan, sa aking pagbobotohan,

madami tao
madami kalat
parang fiesta ng mga papel
mahaba ang pila
mainit
at sobrang init

pero umuwi agad ako!

umuwi ako para magdala ng tubig, payong, magpalit ng short to pantalon, magdala ng buscuit at uminom ng vitamins.

sa pagbalik ko sa ekwelahan, madami na pauwi, pero walang incredible ink sa kanila kuko.

oo incredible talaga. hahahah!

madami sumuko
madami nagutom
madami umuwi nalang

*sila yung mga tao ang pananaw
“isa lang naman ako, madami naman boboto doon”
confidence pare! walang prinsipyo.

at yon, pumila na ako, 10:30am
tirik ang araw
tagaktak ang pawis
ambaho ko na.

at dahil sa mahabang pila, dumami ang friends ko
napagkwentuhan nadin namin ang talang buhay namin.
hanep!

bigla ako kinawayan ng papa ko,
alam nyo yung mukha ng papa ko?
EXCITED pare!
automation e!
sinamahan ko sya sa PCRV para itanong kung nasaan ang nawawala nyang nanay! :D

ayon, pumila uli, syempre may slot na ko, friends ko na mga nakasama ko sa pila e

Badtrip ako habang nasa pila.
nababadtrip ako tuwing nakakakita ako ng baller ng noynoy at villar
parang gusto ko lamunin yung mga taong yon.

nakaboto ako ng 12:45
hanep!
isang timba ng ng taba ang nawala sakin.

bumoto. tumingin sa kodigo.
at yon nakipagtitigan kay PCOS
at nananalangin na mag Congratulation sya!
hindi nya ako binigo. :)

*ilang obserbasyon:
– may mga niluwa ang PCOS.
nakakalungkot yung mukha ng mga matatanda, oo common na matatanda yung may palpak sa pag shade ng itlog na pula.
nakikita mo kung gaano sila manghinayang.
2hrs pare 2hrs! tapos hindi tatanggapin ng PCOS. hayy

– may mga botante na parang ginagawang laro ang pamimili ng iboboto.
ON THE SPOT DUDE! hala sige bilog!
kaya tumatagal ang proseso e, doon palang nagiisip ng iboboto.

– may mga pasimpleng sumisingit.
– may mga nagpaparinig sa mga sumisingit
– may sasabat na martial, tatalsik ang laway nya sa tao. hindi kikibo ang mga nakapila.
– gulo gulo ang buhok ng mga guro.
– may mga bata pa sinasama ang mga botante, hello, childrens parteey ba to?
– may nagbebenta ng mineral
– may nagpupulot ng mga bote ng mineral

*Binoto ko si GORDON.
nakakatuwa noong nakita ko ang pangalan nya sa balota, eto na pala yon.
nakakatuwa.

self fulfillment
sinunod ko ang gusto ko.
ang paniniwala ko.
hindi ako nagpadala sa agos ng mga tao naniniwala sa survey lalo na sa ABIAS CBN

natutuwa ako.
pinaglaban ko ang aking karapatan.
hindi para sa sarili ngunit para sa bayan.

*saludo ako sa mga nagtiis sa pila upang makaboto.
saludo ako sa inyo!
lalo’t higit sa mga mamamayang pilipino na hindi nagpabayad
at hindi lamang pangsariling kapakanan ang inisip.

Mabuhay kayo!

Read Full Post »

tungkulin nyo ipaalam ang totoo diba?

go.

ipalabas nyo to video! :D

i started to HATE you! totoo lang.

hindi kayo patas.

kapag pinapakita nyo yung motorcade or campaign ni Noynoy, hala sige ubusin ang air time. Ipakita pa madami naka L sign. yeah you are a Loser!.

pero pag sa ibang kandidato, parang hangin lang, parang wala lang. tsk tsk.

Alam nyo papel nyo sa mamamayan? yon yung sabihin yung totoo.

Madami nanood sa inyo.

Kaya ano nangyari? Madami rin ang nabibilog nyo.

Minamanipula nyo ang tao!

Para kayong SURVEY! Eksakto.

Bakit kaylangan pa i labas yang survey na yan few days bago ang eleksyon?

dahil alam nyo yung takbo ng utak ng tao diba?

alam nyo kasi yung kapasidad ng ibang mga Pilipino diba?

alam nyo dyan sila dedepende.

dyan sila mag babase

sa 2,000 respondents ng mga survey na yan!

palong palo!

hindi nyo binigyan ng pagkakataon ang mga tao makapag-isip.

ni wala nga kayo program na pangkikilatis sa mga kandidato ng PATAS e! alam nyo yon?!

Sana hindi lang yung studio nyo pinapaganda. sana pati yung layunin nyo ihatid sa tao ang totoo.

nasa posisyon kayo para mag “educate” sana ng tao.

pero wala.

Read Full Post »

okay, si bayani naman kasi e, yung ads

parang contest sa bday party na

“bayaniiiiiiiiiiiiii” kaya yan ang title hehehehe

hindi ko padin alam kung sino pipiliin dyan.

tapos wala pa ako senatorial line up.

hahahahhahaha!

Read Full Post »

Kay GORDON ako

So as my introduction, i want to let you know that i will not copy paste anything over the net. Type type type until blood falls in my nose :))

Why?

thats i think the best question nowadays,
not Who.

Why not Noynoy?

Wala syang sarili pamilya. Hey dude, hindi lang korapsyon ang problema ng bansa. hindi lang mga kurakot. Alam mo ba yung pangunahin pangangailangan ng isang pamilya? pagkain, edukasyon, kalusugan. yan! hindi yang mga pesteng korapsyon na yan! kung may malasakit ang pinakapinuno sa bawat pamilya, alam nya yan.

I admire your parents. Period. taon taon. pag august 21, naaalala ko ang ama mo, si ninoy, taon taon, walang palya, kasama nadin doon si Cory. I admire your parents, but i want each Pilipino to admire more in Philippines. gets mo? hindi parang binebenta na yung nasyonalismo.

Saka hindi mo naman talaga desisyon o kahit tumakbo sa isip mo maging pangulo diba? ‘to mga tao kasi to, noong namatay ang nanay mo, tinulak ka ng tinulak na maging presidente! Hindi mo kagustuhan, walang sarili kusa, wala sa utak mo na magpatakbo ng isang Bansa, napilitan ka lang.

Sabi nga, kung masaya ka, wag na wag ka mangangako.

Why not Villar?

I want you to be someone else. Like a producer of commercials, endorser of max orange, or the one who will teach people how to swim. Madami ata hindi marunong lumangoy.

Well honestly, ok na sana record mo noon e, hinahangaan kita noon, senate president diba? kaso nasilaw ka. sayang.

Why not Erap?

Tulad ng sabi ko kay noynoy, i want Pilipino people to admire the country even more. You can help naman diba? kahit wala ka sa posisyon. Sabi ng masa, hindi ka naman nagnakaw, pera mo naman kasi yung ginamit mo sa pag susugal. Pero, saan galing ang limpak limpak mo pera? hulog from the sky? haaayyy.. people, wake up :|

nalulungkot ako. nasasanay tayo na may mahihirap, nasasanay sila na hanggang doon lang ang kapasidad nila. wag nyo piliin yung kandidato para sa mahirap. piliin nyo yung kandidato para sa Pilipino. :| Ano nangyayari? ginagamit ng mga politiko ito ang mga mahihirap.

Oo. ginagamit. may proyekto pa bibigyan ng halimbawa sampu libo ang bawat pamilya. Bibigyan ng bahay. Nooooo! that’s not the solution! Give then a decent work with a decent pay. let them know how to generate income. educate them. sa Pabahay? pabayaran nyo sa kanila. Hindi yon simbulo ng paglugmok lalo sa kanila. Kung gusto nyo magbanat ng buto yang mga yan at mangarap, wag nyo ipasubo lahat! Give them job. Kaya yung iba umaasa sa Gobyerno, nakalimutan na may sarili sila mga buto.

Why not Bro Eddie?

I believe in you, you are a great preacher i know. kaya nga ang dami na ng supporter ng Jesus Is Lord e. Yun ang tawag sa inyo ng Panginoon. to Preach. Just stay there. okay? sana hindi ka na uli tumakbo next time. saka uulitin ko uli ang sinabi ko kay noynoy. hindi ko gusto ang slogan mo na “anim na taon na walang korapsyon” kung palitan mo yan ng “anim na taon na pag-unlad” hahanga pa ako. Hindi lang yan ang problema ng Bansa.

Why not Gibo?

Hindi ako duda sa katalinuhan nya. Pero alam nyo yung hilaw pa? Sorry for gibo supporters. You know what’s the big deal bakit hinahanap ng tao yung mga “silent action” ni Gibo? because hindi sila aware. not all people have internet in their house. not all people know this guy. know all people have been touched by this guy.

Yes, maganda ang plataporma nya, but again, this is like the intangible assets that we have. mga hindi nahahawakan. I want him to be involve more in community, because i want him to know hows life being with “us”. Gusto ko masanay sya sa baho nga bawat pilipino, sa bawat malalagkit nito pawis. Gusto ko malaman kung alam nya ba ang buhay ng mga taong minsan isang beses lang kumain sa isang araw. I don’t what to tell him “hey, Gibo para sa Mahirap” nooo! i want him to feel “us” to touch our heart. not just our intellectual. that’s it. I want this guy to explore more. Hindi lahat ng tao, marunong magbasa, pero lahat ng tao alam gamitin ang kanila mga puso. Again, I am hands down to this guy, and i have respect to him.

Why Gordon?

Andun na tayo, andyan sa lahat ng kalamidad. Pero nakuha nyo ba yung point don? Nung pumutok ang mt. pinatubo, kung ako siguro yon, sasakay na ako ng eroplano to save myself. Pero ano sinabi nya? “Sumunod kayo sakin, wag kayo matakot”(hindi ko alam kung ganyan yung eksakto sinabi nya, i don’t want to watch the video na e hehe baka di matapos to blog ko) See. Brave enough. then what’s next? Para sa akin, walang taong bato, at sa nasaksihan nya noon, sa bawat batang umiiyak na nakikita nya, sa bawat mga individual na puro ash sa katawan, nadurog ang puso nyan. pero ano ginawa nya? Hindi sya umiyak. He want his fellowmen to show that he is brave enough. Kung iiyak ka, kung tatakasan mo lang yung sakuna, edi lalo nawalan ng pag-asa yan!

Bawal ang Tamad. Bawal ang Tanga. People says, they think they can’t hadle this kind of President. Pero alam nyo ba kung sabihin nya sakin yan? aba babangon ako sa katotohanan, i want to prove him na “hey man, hindi ako tamad, see” but at the end of the day, hindi mo lang sa kanya pinatunayan na hindi ka tamad. Pinatunayan mo nadin sa sarili mo.

Sisitahin ka nya dahil may mali sayo. Kung matino ka na, patinuin mo naman yung ibang tao.

Pilipino people need to moved na. Hindi lang ang mga opisyales. Hindi lang sila ang magpapatupad ng mga plataporma, sila ang magsasabatas pero tayo ang gagawa at susunod.

Then 2016 daw, pwede na si Gordon. okay, sige 6 years uli tayo magtitigan at mag kanya kanya. :) Why so serious? smile guys! Salamat. :)

*lahat pwede i repost, i share to blog ko. go. if you think may mapupulot kayo, go spread this.
i dont care if you put credits
but pls, don’t claim that its yours :)

thanks :)

Read Full Post »

Isipin mo, lahat ng presidentiable candidates, mamatay.
(knock knock on the wood 100 times)

imagine lang okay?

kanino ko iiyak? (:

let me elaborate each candidates, pero hindi lahat, yung kilala ko lang, ung may masasabi ako (:

Noynoy, again, mapupuno na naman ng yellow confetti ang mga kalsada sa metro manila. muli siskat ang kanta “magkaisaaaaaaa….” maari yung mga tao sabihin na kapiling na ni Noynoy si Ninoy at Cory. at maari magkaroon na naman ng sali saling kuro kuro para patakbuhin si Kris. hindi malayo mangyari.

Maalala ko kung paano nya napagkaisa ang tao noong namatay si Cory. yun lang ang maalala ko.

Villar, marahil iiyak ang mga bata na kasama nya sa campaign video nya. marahil mag break down na ang nanay nya. maari umiyak ang mga tao natulungan nya, nabigyan nya ng trabaho nabigyan ng bahay. marahil. pero hindi uulan ng orange confetti.

Erap, naalala nyo yung libing ni FPJ? yon na yon. i replay nyo lang. lahat ng masa lalabas ng bahay. kompleto video coverage. hindi ako iyak, pero malulungkot ako para sa kanya. malulungkot ako dahil hindi nya napagtanggol ang sarili nya. Let’s be frank, nakasuhan sya dahil hindi sya ganon katalino. Namanipula sya ng mga tao at mga kaibigan nya. Naging tiwala sya masyado sa mga tao nakapaligid sa kanya. hindi sya naging mautak.

Pero sana naman, hindi ipalabas ng abs-cbn ang mga luma nya pelikula. pls po. ang tatagal na non. patay na lahat ng tao cast doon. wag nyo po kami bigyan ng bangungot. Pero malulungkot parin ako sa kanya. tulad ng pagkalungkot ko sa nangyari kay FPJ. at higit sa lahat, naging presidente padin sya. Naalala ko kung paano umiyak ang kusinera ni Erap sa malacanyang nung bumaba na sya sa pwesto. Iba ang karisma ni erap sa mahirap. (:

Bro. Eddie – magniningning muli ang kulay dilaw. Iiyak ang mga JIL. Naalala ko noong namanaty si Ka Manalo (INC) yon parang yon. dadayo lahat ng JIL sa Bocaue, Bulacan. Maniwala kayo. :)

Gibo, maaalala ng tao ang pagsakay nya sa MRT, maaawa ang tao sa asawa nya binuhusan ng lahat ng ganda. Madami mga kabataan na naniniwala sa kanya ang malulungkot. Pero hindi ko nakikita ang libing nya ay magdudulot ng trapiko. Pakiramdam ko magiging pribado iyon.

Iiyak ang mga tao na nakilala sya. Manghihinayang ang madami.

Gordon, alam nyo naman na sya ang sinusuportahan ko diba?
Iiyak ako. Kahit sa Olongapo pa sya iburol. Pupunta ako. oo pupunta ako.
Marahil madami iiyak, mga Red Cross Volunteer, mga tao natulungan niya, mga tao na naniwala sa kanya. Hindi ko sinisigurado na uulan ng confetti. Pero kahit bawal ang pula sa pagpunta sa patay (ayon sa sabi sabi) marahil, ito parin ang magiging simbulo nya.

Lalaganap ang mga quotes niya, lalaganap ang mga videos nya, mga blogs etc. Hahanga ang tao sa kanya sa huling pagkakataon. oo. sa huli nalang…

Bibilib sa kanya ang tao, dahil yung mga documentary news ipalalabas ang buhay at pakikipagsapalaran nya.

Pero huli na ang lahat.

Maaalala ng tayo ang ginawa niya, bagay na nakalimutan nila noong panahon ng eleksyon.

———————–

Pero kahit ano pa man, kahit sino pa man ang mauna sa kanila (knock knock on the woods 200 times)

May iiyak.
May maglalahad ng kanya experience.

pero alam nyo yung pinakapanigurado ko?

Lahat ng tao, pag-uusapan kung ano ang mga nagawa ng mga tao ito. Lahat ng mabubuti. Walang masama. Makakalimutan natin lahat ng kaso lahat ng anumalya.

Lahat magiging mabait.

ang ironic ng buhay.

kung kaylan patay na ang tao at ililibing na sa hukay, saka pa nalalaman kung gaano kadakila ito.

Walang nilalang ang magsasabi na
“Buti nalang patay na sya”

NOOOOO!

nagiging mabait ang tao. nagiging malinis ang pangalan ng namatay.

kaya napapatunayan lang ang isang tao na bayani… pag nawala na ito… :|

again, kanino ka iiyak? :)

VOTE WISELY GUYS! :)

Read Full Post »

Older Posts »