Feeds:
Posts
Comments

1st thing:

tado: lahi ng mga matatapang di bumagay yung pangalan nyo doon sa performance nyo. kasi parang pang GAY yung blah blah blah


vice ganda: Anong pang GAY? ano masama sa pang gay?!

this one. tado claims na hindi bumagay yung name ng group to the performance. kasi malamya. wala sya sinabi MASAMA ;)

vice ganda: dapat may respeto tayo sa kasarian at kagustuhan ng ibang tao.

So tado respect you as you are, can you just respect his opinion? ;)

vice ganda: pero ang gipit, kahit ganyan ang itsura, walang bakla kumakapit.

shoot! sayo na mismo nanggaling, Tado is not like the previos hurado na gwapo, macho at mestiso. yeah ;)

vice ganda: naapektuhan lang ako sa sinabi ni Tado

baka naman naapektuhan ka din sa pagiging emosyonal mo? or gusto mo lang makuha ang simpatya ng tao? try to read the first flow of your conversation with tado, wala po sya sinabi masama sa pagiging Bakla ;)

you are a comedian right? siguro di mo naranaasan ma-offend, oo baka nga na-offend ka na noon hindi ka pa sikat, pero nakalimutan mo na siguro ;)

madami ka tao naooffend, isa na kami mga KABABAIHAN. (pertaining to the last video in this post)

at unang sumama ang loob ko sayo noon about kay AVA, yung isa sa mga unang hurado. inggit ka sa kanya diba? kaya aun, tanggal agad sya. Ngayon, alam ko na, may posibilidad talaga matanggal si Tado, kasi wala sa sayo ang simpatya nya. :)

Tado: i love you friend
Vice: i don’t love you Tado
Tado: i can love you
Vice: i don’t love you.

Did you understand Tado? sinabi nya “i love you” for one reason, because he wants to tell you how sorry he was for the offensement he did to you. But you didn’t accept it. I just wonder, yung mga na ooffend mo kaya naramdaman nila na you feel sorry for your attitude. tsk tsk. Brave enough for Tado.

You gain support from us Vice. inangat mo nga ang mga Bakla e right? that’s always your point. Pero ano nangyari? ganyan ba ang temper nyo talaga? ;) Akala ko kasi, you are willing to accept all the critisism, but yes you are also willing not to accept apology :)

siguro ngayon lang, as in ngayon lang, na nakahanap ka ng katapat. Yung hindi lang puro sang-ayon sa iyo :)

TADO is a good hurado, nag tatake notes talaga sya, just like jhong and andrew E. gusto ko yung ganon e, may basis yung mga pinagsasasabi. :)

Vice: oo hindi ka nanalo…ngayon alam namin kung bakit…ang dami ko kaibigan bakla kumandidato nanalo.

VICE THIS IS FOUL. tsk tsk. akala ko tapos na e, hindi na nagsasalita si TADO. tapos ikaw? ano? ilang hirit pa?

Alam mo ba yung katotohanan VICE? hindi lahat ng natatalo kumandidato ay hindi na karapatdapat. at lalo hindi lahat ng nananalo ay karapatdapat din.

Walang pinagkaiba yung pambabatok batok mo sa mga kapwa mo Gay sa mga shows mo para mapatawa ang mga tao sa ginawa mo kay TADO. hindi ko maintindihan kung bakit pumapalakpak sila sa sinasabi mo.

Andun na e, proud ka sa sarili mo, at gusto mo maging proud ang lahat ng tao sa sarili nila, pero kung lagi ka nalang proud sa sarili mo, makakalimutan mo na ang salitang “pagpapakumbaba” :)

AND ABOUT SA TSHIRT?

kindly watch this video. you will know the real meaning of the shirt. yung meaning na hindi nainitindihan ni VICE :) alam nyo, hindi bakla ang dapat ma offend sa tshirt ni TADO, kundi yung mga lalaki na nanggagamit ng bakla. :)

He means going out with a gay man for financial gain and economic stability is worse than being a robber because gays deserve true love. – ramon bautista

another video to my fellow women :)

please respect us Vice” :)

DO NOT VOTE FOR TADO IF YOU WANT HIM TO STAY IN SHOWTIME.

Binoboto po kasi doon yung gusto mo ma EVICT :)

for TADO supporters. Like This Page! :)

common answer yan ng mga taong si Erap padin ang binoto.
napataas nya ang sahod ng mga mangagawa ng dalawang beses noong panahon nya
kaya minahal sya ng mga mangagawang pinoy.

pero hindi pera lang ang ninakaw ni erap.

PATI REPUTASYON NG BANSA!
ANG RESPETO PINANGHAHAWAKAN NATIN SA BANSA ITO.

hindi nyo ba naisip na kung sakali yan ang maging presidente uli,
tingin ba nila, may papasok pa investors satin?
tingin ba nila, ng mga masa naniniwala sa kanya, na may magtitiwala pa sa bansa natin?

KAYLANGAN NATIN LAHAT NG TRABAHO!

Ex-convict si Erap.
nakulong sya.
dahil napatuayan nagkasala sya.

Yung simpleng ex-convict nga na hindi naman talaga nagksala hindi makahanap ng matino trabaho e.

ANO BA JUAN?!

ISIPIN NYO YUNG KAPAKANAN NG LAHAT NG PILIPINO!
HINDI LANG YUNG PRINSIPYO NYO NA WALANG KASALANAN SI ERAP
NA WALA SYA NINAKAW!
NA PARA SA MAHIRAP SYA!

higit sa pera ang ninakaw nya!

PINAGTATAWANAN NA TAYO NANG BUONG MUNDO.

natatawa ba kayo?

AKO HINDI E.

MARAMING SALAMAT.

alam nyo ba hinahangaan ko ang bawat tao na naniwala kay GORDON?
kung ilang milyon man ang matanggap na boto niya.
lahat ng yon ay hinahangaan ko na.

NAGTAGUMPAY TAYO!

na kalampagin ang mga natutulog na diwa ng ilang mga Pilipino.
lalo na ang kabataan.

hindi man natin naabot lahat ng mamamayang Pilipino
hindi man lahat ay naniwala sa pinaniniwalaan natin.

NAGTAGUMPAY PARIN TAYO!

dahil tayo mismo sa ating sarili
nakaya natin ipagmalaki sa kahit na sino si Sen. GORDON!

marami salamat sa mga nangampanya at nag endorso
hindi ko man mabanggit ang inyong mga pangalan.
maraming salamat
sa pagod.
sa hirap.
sa pagiging matatag
sa bawat sakripisyo
sa bawat pagpapalakas ng loob sa bawat isa
sa lahat ng dasal
salamat!

wag sana natin kalimutan lahat ng aral ni Sen. Richard Gordon sa atin lahat.
wag natin kalimutan.

wag natin hayaan madala rin tayo sa maling agos ng sistema ng lipunan.
malay natin, 50years from now,
matitino na ang kabataan.
matitino na ang MASA.

malay natin, sa panahon na yon, may pag-asa pa

Maraming Salamat!

Nakaboto ako!

NAKABOTO AKO!

ikkwento ko lang ang aking karanasan.

nagpunta ako sa eskwelahan, sa aking pagbobotohan,

madami tao
madami kalat
parang fiesta ng mga papel
mahaba ang pila
mainit
at sobrang init

pero umuwi agad ako!

umuwi ako para magdala ng tubig, payong, magpalit ng short to pantalon, magdala ng buscuit at uminom ng vitamins.

sa pagbalik ko sa ekwelahan, madami na pauwi, pero walang incredible ink sa kanila kuko.

oo incredible talaga. hahahah!

madami sumuko
madami nagutom
madami umuwi nalang

*sila yung mga tao ang pananaw
“isa lang naman ako, madami naman boboto doon”
confidence pare! walang prinsipyo.

at yon, pumila na ako, 10:30am
tirik ang araw
tagaktak ang pawis
ambaho ko na.

at dahil sa mahabang pila, dumami ang friends ko
napagkwentuhan nadin namin ang talang buhay namin.
hanep!

bigla ako kinawayan ng papa ko,
alam nyo yung mukha ng papa ko?
EXCITED pare!
automation e!
sinamahan ko sya sa PCRV para itanong kung nasaan ang nawawala nyang nanay! :D

ayon, pumila uli, syempre may slot na ko, friends ko na mga nakasama ko sa pila e

Badtrip ako habang nasa pila.
nababadtrip ako tuwing nakakakita ako ng baller ng noynoy at villar
parang gusto ko lamunin yung mga taong yon.

nakaboto ako ng 12:45
hanep!
isang timba ng ng taba ang nawala sakin.

bumoto. tumingin sa kodigo.
at yon nakipagtitigan kay PCOS
at nananalangin na mag Congratulation sya!
hindi nya ako binigo. :)

*ilang obserbasyon:
– may mga niluwa ang PCOS.
nakakalungkot yung mukha ng mga matatanda, oo common na matatanda yung may palpak sa pag shade ng itlog na pula.
nakikita mo kung gaano sila manghinayang.
2hrs pare 2hrs! tapos hindi tatanggapin ng PCOS. hayy

– may mga botante na parang ginagawang laro ang pamimili ng iboboto.
ON THE SPOT DUDE! hala sige bilog!
kaya tumatagal ang proseso e, doon palang nagiisip ng iboboto.

– may mga pasimpleng sumisingit.
– may mga nagpaparinig sa mga sumisingit
– may sasabat na martial, tatalsik ang laway nya sa tao. hindi kikibo ang mga nakapila.
– gulo gulo ang buhok ng mga guro.
– may mga bata pa sinasama ang mga botante, hello, childrens parteey ba to?
– may nagbebenta ng mineral
– may nagpupulot ng mga bote ng mineral

*Binoto ko si GORDON.
nakakatuwa noong nakita ko ang pangalan nya sa balota, eto na pala yon.
nakakatuwa.

self fulfillment
sinunod ko ang gusto ko.
ang paniniwala ko.
hindi ako nagpadala sa agos ng mga tao naniniwala sa survey lalo na sa ABIAS CBN

natutuwa ako.
pinaglaban ko ang aking karapatan.
hindi para sa sarili ngunit para sa bayan.

*saludo ako sa mga nagtiis sa pila upang makaboto.
saludo ako sa inyo!
lalo’t higit sa mga mamamayang pilipino na hindi nagpabayad
at hindi lamang pangsariling kapakanan ang inisip.

Mabuhay kayo!

tungkulin nyo ipaalam ang totoo diba?

go.

ipalabas nyo to video! :D

i started to HATE you! totoo lang.

hindi kayo patas.

kapag pinapakita nyo yung motorcade or campaign ni Noynoy, hala sige ubusin ang air time. Ipakita pa madami naka L sign. yeah you are a Loser!.

pero pag sa ibang kandidato, parang hangin lang, parang wala lang. tsk tsk.

Alam nyo papel nyo sa mamamayan? yon yung sabihin yung totoo.

Madami nanood sa inyo.

Kaya ano nangyari? Madami rin ang nabibilog nyo.

Minamanipula nyo ang tao!

Para kayong SURVEY! Eksakto.

Bakit kaylangan pa i labas yang survey na yan few days bago ang eleksyon?

dahil alam nyo yung takbo ng utak ng tao diba?

alam nyo kasi yung kapasidad ng ibang mga Pilipino diba?

alam nyo dyan sila dedepende.

dyan sila mag babase

sa 2,000 respondents ng mga survey na yan!

palong palo!

hindi nyo binigyan ng pagkakataon ang mga tao makapag-isip.

ni wala nga kayo program na pangkikilatis sa mga kandidato ng PATAS e! alam nyo yon?!

Sana hindi lang yung studio nyo pinapaganda. sana pati yung layunin nyo ihatid sa tao ang totoo.

nasa posisyon kayo para mag “educate” sana ng tao.

pero wala.

BIAS KAYO!!!

hindi lang ito ang unang pagkakataon.

noong din anim na taon na nakakalipas

between Gloria and FPJ

sinabihan nadin kayo ni Susan Roses non na hindi kayo patas.

pero hindi ako naniwala.

pero ngayon? paniwalang paniwala na!

*inaantok na ko. bukas lagot kayo saken!

umiiyak ako ngayon. :|

sabi ko na e, ayoko manuod ng balita.
umiiyak ako, to the possibility na baka manalo si Noynoy :|
hindi ko kaya yon. waaaa..
sasabog na lamang loob ko.

look at this people. damang dama nila si noynoy.
ang sarap… arghhh ayoko magsalita ng masama :|

Pilipino people really need to be educated :|

Parents should not expose their child to much in TV :|

Sa channel 2, santambak ang commercials nya, wala kang kawala, kahit ilipat mo sa channel 7 :|

Simple lang, I DONT WANT HIM TO WIN.

he doesn’t want responsibility nga e, gusto lang ata nya title.
he even want to give 80% of his power to Mar, kung yon yung mananalo.
arghhh.
“I am sharing 50 percent to 80 percent of the job (of the presidency) with my one and only partner Mar Roxas, and I am offering him not just one, but several portfolios in an oversight capacity.” – Noynoy


you know what? Noynoy’s initial? the NA thing?
its like No Answer, Not Applicable, pls No, Amen

:|

and this

“My partner (Roxas) is a complete partner in every sense all the labor has been divided between us, which does not mean we share it 50-50. There are days he (Roxas) takes 70 to 80 percent of the load and vice versa. So my offer to him — and I would like to stress it is not a request from him, if we are fortunate, we will continue the division of labor so our aspirations for our dreams will be substantially accomplished within the six-year term.”

sana hindi nalang sya tumakbo. sinisira nya ang resistensya ko :|

arghh.. i need more tissue paper, kahit manila paper.

Let’s pray for our country

———–

News about that 80% arghh click