Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘pilipinas got talent’

ALAKIM, MANALO KA!

butterfly magic act

Isa sa mga nagmarka sakin contestant ng Pilipinas Got Talent ay si Alakim. Hindi sya tulad ng iba na puro birit at indak. iba sya. magikero sya.

At sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakakita ng ganto klase magic. Hindi lang puro kalapati ang pinapalipad. ayos!

Namangha na ko sa audition palang nya. Same Magic lang naman ang pinapakita nya sa performances nya, pero lahat nagiging unique. may bago. at ewan ko nalang kung hindi ka mapa WOW.

Jovit is good. Napukaw nya ang bawat puso ng nanunuod sa kanya. at kinumpara narin sya kay Arnel Pineda. Pero walang kakaiba sa ginawa nya. Kaya nga sya nakumpara e, kasi hindi bago, may katulad.

Velasco Brothers is awesome! Ngayon, pwede na gawin the movie ang naruto ng dahil sa kanila. Pero hindi ako napabilid ng sobra sa kanila tulad ng pagkabilib ko kay Alakim.

Baguio Metamorphosis, sana mapansin sila ng mga mayayaman o ahensya ng pamahalaan para mapondohan sila upang makarating sila sa ibang bansa at ipagmalaki ang talento ng mga pinoy. humanga ako sa kanila

Jeline, hindi bawal ngumiti.

Fame, oo wala ka sa grand finals, pero mananatili kang idolo ko.

Gusto ko manalo si Alakim dahil meron sya talento na kaunti lamang ang nakakagawa. Hindi ko narinig na naikumpara sya kahit kanino man. Nag-iisa sya.  Nagustuhan ko sya habang nag peperform sya. Hindi ko na kinakailangan malaman pa ang family background nya para humanga ako sa kanya. sapat na ang talento nya. sapat na yon para hangaan ko sya.

May mali din kasi minsan sa mga talent show o reality show sa Pilipinas, kelangan muna i-lifestyle check yung mga contestant. kaya minsan parang ang hirap maging mayaman, kasi wala sayo ang simpatya ng masa. Sayang.

Gusto ko, pag may nagtanong na kano sakin kung bakit si Alakim ang nanalo, ang sasabihin ko ay dahil kakaiba ang talento nya, subukan mo gawin, hindi mo basta basta magagawa.

Ngayon lang muli napatunayan na hindi lamang sa pagkanta, pagsayaw at pag acrobatics magaling ang Pinoy. may mas hihigit pa. pang world class. walang katulad.

Vote for someone that can make every Pilipino be proud.

subukan mo i google ang word na “butterfly magic act” puro alakim ang lalabas dyan! :)

ALAKIM’S GRAND FINALS PERFORMACE

TO VOTE:

PGT(space)ALAKIM
send to 231 for smart/talk n txt;
and 2331 for globe,sun & TM;

Advertisements

Read Full Post »