Feeds:
Posts
Comments

may namatay na ba?
wala pa naman diba?
hindi naman din eto araw araw ang binibili ko.
paiba-iba naman.
wala ako magagawa e.
eto lang ang katumbas ng kinikita ko sa buong maghapon pagtratrabaho.
eto lang ang kaya ko ipakain sa mga anak ko.

-sigaw ng mga mahihirap

sampu paraan para sa paghahanda sa mga unos na darating sa ating bansa!

1. siguraduhin laging full charge ang cellphone, para makapag GM sa mga kaibigan kapag lumindol at upang makapagpadala ng chain text na isend sa sikwenta katao para hindi malasin.

 

2. siguraduhin na may reserba battery para sa laptop at gadgets. mahirap na pag nagka black out, hindi natin ma-uupdate ang status ng FB natin! hindi rin tayo makakapag tweet ng latest photos!

 

3. siguraduhing may nakahandang prepaid para sa internet connection kung usb stick ang gamit, baka bigla magloko ang mga linya ng internet. mabuti na on the go padin tayo!

 

4. i full charge din ang mga battery ng camera, once in a lifetime lang tayo makakita ng mga yumayanig na kapaligiran, dapat ma capture natin ito!

 

5. bumili ng mga kinakailangan na pagkain, junk foods, coke, pwede rin red horse, para tuloy ang ligaya kahit binabagyo

 

6. bumili ng mga in na damit, para kung sakali makunan ng camera, poise pa rin!

 

7. maligo araw-araw

 

8. tignan ang mayan calendar, para alam kung kelan ang petsa na tatamaan tayo ng kalamidad, mabuti rin na basahin ang aklat ni Nostradamus, para may quotes tayo masend sa panahon ng kalamidad.

 

9. gumawa ng last will testament

 

10. mag vitamins.

 

sana, hindi ganito kababaw ang isip natin mga pinoy.

sana mas marami parin satin ang nasa matino pag-iisip pag dumating na ang kalamidad.

sana malaman ng mga kababayan natin na mas mahalaga ang mabuhay kesa magkapag post ng latest updates.

 

manalangin tayo para sa kaligtasan ng bawat isa.

kahit five minutes lang.

Wishlist # 1

gusto ko nito

ang pangarap ko oto

hindi na mag-iinit ang ulo mo sa mga driver na kulang magbigay ng sukli
hindi ka na makikipaggitgitan pa sa mga tao sa LRT
lahat ng shortcut madadaanan mo

yun lang
panay taas ng krudo araw-araw
daig pa naka growee!

na pagkabalita na
at ang pinag-uusapan ay lablife ni noynoy..

may pipiliin mo pa matulog nalang o ilipat yung channel.
masyado showbiz
nakaka bwisit!

pasko

halos isang buwan nalang
pasko na!

panahon para muli magkasama-sama ang mga pamilya
panahon para magbakasyon ang mga OFW
panahon para magpakawala ng limpak-limpak na malulutong na pera

dahan dahan muna.

bago ang lahat ng kasiyahan.

kantahan mo muna yung may bday!

baka magtampo yun! :)

lotto. joke ka lang ba?

nakakapagtaka lang.
wala parin ba nanalo?
hanggang magkano kaya ang aabutin ng premyo?
gaano kaya kahaba ang pila bukas sa mga lotto outlet?
hanggang kelan aasa ang mga kababayan natin sa pagtaya?
ilang beses ba dapat manalo para matauhan sila?

bente sa isang araw

mas malaking bagay sana kung ibinabahagi ito sa mas nangangailangan.
mas naka jockpot sana tayo

ALAKIM, MANALO KA!

butterfly magic act

Isa sa mga nagmarka sakin contestant ng Pilipinas Got Talent ay si Alakim. Hindi sya tulad ng iba na puro birit at indak. iba sya. magikero sya.

At sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakakita ng ganto klase magic. Hindi lang puro kalapati ang pinapalipad. ayos!

Namangha na ko sa audition palang nya. Same Magic lang naman ang pinapakita nya sa performances nya, pero lahat nagiging unique. may bago. at ewan ko nalang kung hindi ka mapa WOW.

Jovit is good. Napukaw nya ang bawat puso ng nanunuod sa kanya. at kinumpara narin sya kay Arnel Pineda. Pero walang kakaiba sa ginawa nya. Kaya nga sya nakumpara e, kasi hindi bago, may katulad.

Velasco Brothers is awesome! Ngayon, pwede na gawin the movie ang naruto ng dahil sa kanila. Pero hindi ako napabilid ng sobra sa kanila tulad ng pagkabilib ko kay Alakim.

Baguio Metamorphosis, sana mapansin sila ng mga mayayaman o ahensya ng pamahalaan para mapondohan sila upang makarating sila sa ibang bansa at ipagmalaki ang talento ng mga pinoy. humanga ako sa kanila

Jeline, hindi bawal ngumiti.

Fame, oo wala ka sa grand finals, pero mananatili kang idolo ko.

Gusto ko manalo si Alakim dahil meron sya talento na kaunti lamang ang nakakagawa. Hindi ko narinig na naikumpara sya kahit kanino man. Nag-iisa sya.  Nagustuhan ko sya habang nag peperform sya. Hindi ko na kinakailangan malaman pa ang family background nya para humanga ako sa kanya. sapat na ang talento nya. sapat na yon para hangaan ko sya.

May mali din kasi minsan sa mga talent show o reality show sa Pilipinas, kelangan muna i-lifestyle check yung mga contestant. kaya minsan parang ang hirap maging mayaman, kasi wala sayo ang simpatya ng masa. Sayang.

Gusto ko, pag may nagtanong na kano sakin kung bakit si Alakim ang nanalo, ang sasabihin ko ay dahil kakaiba ang talento nya, subukan mo gawin, hindi mo basta basta magagawa.

Ngayon lang muli napatunayan na hindi lamang sa pagkanta, pagsayaw at pag acrobatics magaling ang Pinoy. may mas hihigit pa. pang world class. walang katulad.

Vote for someone that can make every Pilipino be proud.

subukan mo i google ang word na “butterfly magic act” puro alakim ang lalabas dyan! :)

ALAKIM’S GRAND FINALS PERFORMACE

TO VOTE:

PGT(space)ALAKIM
send to 231 for smart/talk n txt;
and 2331 for globe,sun & TM;